Linggo, Setyembre 11, 2016

Populasyon sanhi ng Kahirapan

       Nakababahala na itong problema ng lumalaking populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistics Office tumaas ng 2.1% ang population growth ng ating bansa. Malaki ang population growth na ito para sa isang maliit at pobreng bansa ng Pilipinas.

       Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakukunsumo ang enerhiya. Ngayonpa lang ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lng ang 'Global Changes' sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas.


       Andiyan ang suliranin sa bansa at polusyon sa paglago ng populayon. Nagdudulot din ito ng negatibong epekto sa moralidad. Hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang aral sa mga bata. Imbis na respeto at pagmamahal sa kapwa ay 'survival instict' ang namamayani sa mga tahanan. 

Madalas na nagkakagulo ang mga tao dahil sa kahirapan.

       Tunay na lalong naghihirap ang ating bansa. Napakaseryosong problema ang populasyon, dumarami ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Lumuluwas sila sa ibang bansa upang maibsan ang kahirapan at matustusan ang kanilang pangangailangan,sapagkat hindi sapat ang sahod sa Pilipinas kulang na kulang ito sa pang araw-araw na gastusin.


Inaksyunan na ito ni pangulong Duterte ang 3 child policy. May tatlong anak lamang sa isang pamilya. Kahit na papaano ay mababawasan ang lumalagong populasyon ng bansa.

1 komento:

  1. Harrah's Reno Casino & Hotel - MapYRO
    Harrah's 속초 출장샵 Reno Casino 과천 출장샵 & Hotel is a casino 여수 출장샵 in Reno, Nevada, United States and is open daily 24 hours. The casino's 218 guest rooms 공주 출장마사지 feature modern décor with 나주 출장마사지

    TumugonBurahin