Mga Sundalo Tumutulong Na Sa Checkpoint Operations Upang Siguruhin Ang Kaligtasan
Mahigit 150 mga sundalo ang itinalaga sa mga checkpoint sa buong Metro Manila bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapaigting ng seguridad sa rehiyon sa gitna ng umiiral na state of national emergency bunsod ng naganap na pambobomba sa Davao City.
Ayon sa ulat ng Philstar, ipinahayag ng hepe ng National Capital Region Police Office na si Chief Superintendent Oscar Albayalde na ang mga sundalo na armado ng mataas na kalibre ng baril ay tumutulong sa mga NCRPO personnel sa pagsasagawa ng checkpoint operations upang siguruhin ang kaayusan at kaligtasan ng Metro Manila.
Ani Albayalde, itinaas nila ang checkpoint operations sa pinakamataas na antas simula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of national emergency dahil sa mga karahasang labag sa batas.
Araw-araw sa loob ng beinte kwatro oras ang ginagawang pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa mga entry at exit points ng Metro Manila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento